JOBSEEKERS

Do you want to go onboard?
Check Bullet Icon Receive job offers
Check Bullet Icon Apply to various jobs
Check Bullet Icon Get job updates
 

colored pattern divider
  APPLICANT LOGIN

LOGIN HERE

colored pattern divider
Subscribe to our Newsletter
colored pattern divider
 

EVENTS


ADD EVENT

5 New Year’s Resolution Pang Seaman Para sa Masayang 2018

Jan 11, 2018

Kumusta, mate! Handa ka na ba para sa 2018? Simula na naman ng isang bagong taon kaya oras na muli ng paggawa ng mga New Year’s Resolution. Ano ang mga resolution mo ngayong taon? Sinimulan mo na bang pag isipan ang mga ito? Kung hindi pa, ang SeamanJobsite ay may limang mungkahi upang maging maligaya ang iyong 2018.

1. Ipagpatuloy ang iyong komunikasyon sa mga kaibigan at pamilya.

Sa panahon ngayon, hindi na hadlang ang malayong distansya upang hindi makipag-ugnayan sa iyong mga mahal sa buhay. Maraming libreng mobile apps, tulad ng Skype, Viber, Facebook Messenger at WhatsApp, na magagamit ng mga seaman upang makipag-usap sa kanilang mga pamilya at mga kaibigan.

2. Mag-umpisa ng Healthy Lifestyle.

Kumain ng mabuti, regular na mag-ehersisyo at magkaroon ng positibong pananaw sa buhay. Huwag mong gugulin ang lahat ng iyong oras sa trabaho at magbigay laan sa mga nakakarelaks na aktibidad at nakakatuwang libangan. Siguraduhing magpatingin sa doktor paminsan-minsan upang matiyak na ikaw ay nasa mabuting kalagayan.

3. Magtipid at gumastos para sa mga importanteng bagay lamang.

Magtabi ng pera mula sa iyong sahod bawat buwan. Gayundin, matutong magbawas ng mga gastusin upang matulungan kang makatipid ng higit pa. Ang sobrang pera ay maaaring gamitin sa mga espesyal na okasyon.

4. Pagbutihin ang mga relasyon sa mga katrabaho.

Sa pamamagitan ng pagpapanatili ng magagandang relasyon sa barko, pinapawi mo ang maraming stress sa trabaho. Siguraduhin na ikaw at ang iyong mga kasamahan ay nagpapahinga, kumakain sa tamang oras at naglalaan ng oportunidad upang makilala ang bawat isa. Ang isa pang paraan upang mapabuti ang iyong mga relasyon sa mga katrabaho ay ang paggugol ng oras sa kanila sa labas ng trabaho.

5. Maglaan ng oras para sa mga panalangin.

Kailangan mo ring alagaan ang iyong ispiritwal na buhay. Mahalaga rin na magkaroon ng peace of mind, at ito ay maaaring makamit sa pamamagitan ng patuloy na komunikasyon sa Panginoon. Bukod dito, kailangan nating manalangin para sa proteksyon ng ating mga mahal sa buhay araw-araw.
Ilan lamang ito sa mga bagay na maaaring gawin ng mga seaman upang mapabuti ang kanilang buhay sa 2018. Ngunit siyempre, hindi natin kailangang maghintay pa ng isang bagong taon para mag bagong buhay. Araw-araw tayong mag pursige magbago at mapabuti ang ating buhay.
Para sa mas kapaki-pakinabang na mga tips at artikulo para sa mga seaman, mag-sign up na sa SeamanJobsite ngayon!
comments powered by Disqus