JOBSEEKERS

Do you want to go onboard?
Check Bullet Icon Receive job offers
Check Bullet Icon Apply to various jobs
Check Bullet Icon Get job updates
 

colored pattern divider
  APPLICANT LOGIN

LOGIN HERE

colored pattern divider
Subscribe to our Newsletter
colored pattern divider
 

EVENTS


ADD EVENT

Gawing Maligaya ang Iyong Pagdiriwang ng Pasko sa Barko

Dec 06, 2017

Maituturing na mga bagong bayani ang ating mga kababayang seaman dahil sa hirap at sakripisyo nilang dinaranas para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya. Madalas ay nakakaramdam sila ng lumbay, lalo na kapag sila ay na-deploy sa panahon ng Pasko at kinakailangang lumayo sa kanilang  mga tahanan at mga mahal sa buhay.

Para sa mga seaman na mag-Papasko sa barko, ang SeamanJobsite ay may limang tips upang matulungan kang magkaroon ng isang napakaligayang pagdiriwang ng kapanganakan ni Kristo.

1. Gawing festive ang mood ng iyong paligid

Ang mga seaman ay maaaring ipagdiwang ang Pasko sa pamamagitan ng paglikha ng festive na mood sa loob ng kanilang mga tirahan. Maaari mong lagyan ng palamuti ang iyong kuwarto o magpatugtog ng mga Christmas songs at kantahin ang mga ito kasama ang iba pang mga seaman sa barko.

2. Regaluhan ang iyong sarili

Kung ikaw ay mapalad na makapag stop over sa anumang kalapit na lungsod o bayan sa panahon ng Pasko, maari kang mag shopping at bilhan ang iyong sarili ng isang espesyal na regalo bilang isang paraan ng pagsasabi ng "Maligayang Pasko" sa iyong sarili.

3. Magdiwang kasama ang mga kapwa seaman

Maari mong ipagdiwang ang Pasko kasama ang iyong mga kapwa seaman sa pamamagitan ng paggamit ng iyong libreng oras na magkasama sa mga recreational activities na available sa barko. Gayundin, ang isang masaya na Christmas party na may masarap na pagkain at nakakatuwang mga laro ay tiyak na makakawala ng iyong holiday blues.

4. Magpadala ng mga regalo sa iyong mga mahal sa buhay

Bago ang pagsapit ng Pasko, maglaan ng oras upang mamili ng mga regalo para sa iyong mga mahal sa buhay at ipadala ang mga ito sa Pilipinas nang maaga. Sa ganoong paraan, matatanggap nila ang mga regalo sa oras ng Pasko.

Walang oras upang mamili? Maaari ka ring mag-order ng mga regalo online at ipadala ang mga ito sa iyong mga kaibigan at mahal sa bahay.

5. Kontakin ang iyong mga kaibigan at pamilya sa Pilipinas

Dahil sa internet madali mo na lang makakausap ang iyong mga kaibigan at pamilya. Maaari mong gamitin ang Skype para makipag video chat o agad na tingnan ang mga bagong larawan na nai-post sa mga social media sites at mga app tulad ng Facebook at Instagram. Kung di man ito posible ay maari mo pa rin silang makontak sa pamamagitan ng pagsulat ng liham o pagtawag sa telepono.

Ang Disyembe mo ay hindi dapat maging malungkot kahit malayo ka sa iyong mga mahal sa buhay. Sa simpleng gabay na ito, tiyak na magagawa mong magkaroon ng isang maligayang pagdiriwang ngayong Pasko.

Para sa iba pang mga kapaki-pakinabang na tips sa mga seaman, bisitahin ang SeamanJobsite.com at matuto nang higit pa tungkol sa kung paano mo masusulit ang iyong buhay sa dagat.

 

comments powered by Disqus